Pages

Sunday, May 13, 2012

A poem for our loving mothers



Editor's Note: When I saw a friend post this poem on his Facebook page, I was deeply touched. I wanted as many people as possible to read this poem, as it's a lovely way of appreciating our loving moms. It's a little reminder for us all to treasure our mothers a little more while she's still her with us. Enjoy!

=======

Si Nanay na Nagbibigay-Buhay
By Kiko dela Tonga

Nagigising ako sa umaga
Mula sa yakap at hailk n'ya
Sa pagbukas ng aking mga mata
Binabati ny'a ako ng "Magandang umaga"

Mula sa pagkakabangon, kikilitiin ako ni Nanay
Para tuluyung gumising at mawala ang tamlay
Pipisilin ang ilong ko, pisngi at kilay
Saka sasabihing "Anak, ikaw ang aking buhay"

Sa pagkain ako'y kanyang sinusubuan
Kutsara'y iihipan upang 'wag mapaso o mainitan
Ayaw ny'ang ako'y manghina at kumalam ang t'yan
Kaya lagi nyang paalala "Kumain ng marami upang lumakas ang katawan"

Sa aking pagligo s'ya ay aking kasama
Maging sa pagbibihis na may kulitan pa
Sasabihin pa nya, "ayan, ang laki mo na"
Sabay ngitngit at saka tatawa

Hinahatid ako ni Nanay sa paaralan
Lagi pang may baon dahil ayaw magutuman
Naghihintay sy'a sa labas sa oras ng uwian
Para sunduin, kumustahin at sabihing
"Anak, ano ang bago mong natutunan?"

Kapag ako ay nagkakasakit, si Nanay ay laging malapit
Hindi s'ya bumubitaw sa aking pagkakakapit at sa yakap na mahigpit
Ramdam ko ang pagmamahal n'yang walang sing-init
Lalo na tuwing kanyang sinasambit na "aalagaan kita, hanggang langit"

Kapag nadadapa ako sa takbuhan
Sa pagbangon ako'y kanyang tinutulungan
Sugat sa tuhod agad lilinisan
Saka ako hahalikan at sasabihing "gagaling na 'yan"

Ngayon, wala na si Nanay
Wala nang mag-aalaga sakin at magbabantay
Wala nang sing-tamis ng pagmamahal na kanyang binibigay
Na dadalhin ko habang ako ay nabubuhay.

No comments:

Post a Comment